Book Review: Love Is Blog

Love is Blog

Imahe // bonvoyagedoc.wordpress.com

“It’s better to stay single than to settle for a love that you don’t deserve.” – Love Is Blog, Joseph Pagtananan

Recently, nabaling sa pag-ibig ang paksa ng mga sinusulat kong blog posts – mga undying topics gaya ng heartbreak, letting go, at moving on. Kung binabasa mo ang mga posts ko sa Dear Love, malalaman mo kung bakit.

Kaya naman noong malaman ko ang tungkol sa  Love Is Blog, unang libro na sinulat ng blogger na si Joseph Pagtananan (aka Dr. Eamer), ay napukaw kaagad ang aking interes. Actually, twice ko ‘tong binasa at sa dalawang ulit na iyon, pareho akong napangiti, napatawa, at na-inspire. Na-appreciate ko ito dahil sa pinagdaanan ko at napagtibay nito ang paniniwala ko na there is truly a love that redeems. Nakakagaan ng loob basahin, light pero filled with wisdom na pag-iisipan mo.

At various points, the book carries with it the power of rebuke. Sa modernong panahon, tila naging boring na ang mga konserbatibong pananaw for or against pre-marital sex, virginity, living in, at dating. Ang librong ito ay isang napapanahong paalala (lalo na sa mga kabataan) ng mga values na may kinalaman sa pag-ibig, pakikipagrelasyon, at pag-aasawa na hindi natin dapat ipagwalang-bahala at makalimutan magbago man ang panahon.

Consistent ang may-akda sa mga puntong pinaninindigan niya. Malikhain din ang pagkakasulat ng mga social observations na iniugnay niya sa pag-ibig na nilakipan pa ng mga nakakatuwang mga “hugot” lines.

Ilan lamang ang mga ito sa mga paborito kong bahagi ng libro:

  • Kuwentext: Mga Kuwentong Text (Draft and Sent)
  • Sa Pag-ibig Lang Ba Dapat Mag-move On?
  • Kuwentong Social at Pag-ibig: “Minsan” Edition
  • The Power of Waiting: Hihintayin Ko Siya
  • Hindi Ka Tunay na Lalaki Kung…
  • Pitong EX na Gusto Kong Pakasalan

Gustung-gusto ko rin ang kuwento ni Pep at Hannah. Nakaka-inspire! Patunay ang kuwento nila na the best love stories are the ones written by God. Coherent ang exposition and I enjoyed reading every page of it. Hindi lang ang may-akda ang nagkukuwento, maririnig mo din ang boses ng ibang karakter na sa tingin ko ay nagbigay ng balanse sa paglalahad ng kuwento dahil malalaman mo ang perspectives nila. Okay ang istilo dahil hindi naging monotonous at boring ang dating ng kuwento para sa akin. May pagka-epistolary din ang pagkakasulat, modern at classic, dahil sa palitan ng online messages at diary entries na nakakaaliw.

Single, in a relationship, searching for “the one,” o anuman ang status mo, sigurado akong may mapupulot kang aral sa librong it, lalung-lalo na sa aspetong ispiritwal ng pag-ibig.

You don’t have to start from scratch. You can find where others failed. Matuto sa aral na hatid ng karanasan ng iba na siyang ibinahagi sa librong ito.

Hindi mo matatapos ang librong ito ng hindi ka mapapaisip at mapapaniwala na totoong may forever…sa tamang panahaon. Kung kailan iyon? I’ll leave it to you to read the book and find out for yourself.

Congratulations! LOVE…is really about B-L-O-G!

8 Comments on Book Review: Love Is Blog

  1. Reblogged this on P.S.A..

    Liked by 1 person

  2. Ohhhh, wait. Why didn’t I know about this?!
    Looks interesting. Mabasa nga…

    Like

  3. Thank you so much Sir Jays! 🙂 Sulat ka na din ng libro! For those who wants to buy my book, kindly drop an email at iamdoctoreamer@gmail.com 🙂

    Like

I'd love to hear from you! Please start or join the conversation below.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: